IKALAWANG MARKAHAN
SANA ALAM MO RIN
KUNG SA PAGGISING IKAW AY MASISILIP,
ANONG NADARAMA KUNG IKA'Y NASA PANAGINIP
EWAN KO, EWAN KO ANG ALAM KO'Y IKA'Y KAAKIT-AKIT,
SA PUSO KO'Y IKAW, IKAW LANG TALAGA PARA SA AKIN
NAGTATANONG-TANONG HABANG NAGLALAKAD,
SA ISIP, SA PUSO KO'Y IKAW ANG NILALAMAN
DI MAWARI, DI RIN MALAMAN,
IKAW NA BA TALAGA, NAKAUKIT SA PUSONG NILALAMAN
SANA KAHIT SA TULA MAIPAABOT KO SA IYO,
PAGMAMAHAL NA TUNAY MULA SA AKING PUSO
MAGING SA PAGTULOG SANA'Y MASABI KO SAYO,
NA IKAW LANG TALAGA,WALA NA TONG IBA
PAGAMMAHAL SA IYO'Y UMAAPAW NG TUNAY
DI KAYANG MASUKLIAN,IKAW ANG KULAY NG BUHAY
KUNG IISIPIN PARA KANG ASUKAL,
ALAM MO KUNG BAKIT?SINTAMIS MONG MAGMAHAL.
LIHAM
SA MGA NASAKTAN KO PHYSICALLY,
SIGURO IKAW NA YON DARVIN, HUMIHINGI AKO SAYO NG DISPENSA SA LAHAT NG NAGAWA KO SAYONG MASASAMA. NAALALA KO PA NOONG BINATO KITA NG KWADERNO, DI KO LANG KASI NAPIGILAN YUNG PANUNUKSO MO, MAPATAWAD MO SANA AKO.
AT NAGPAPASALAMAT RIN AKO SAYO DAHIL NAGING MAGKAKLASE TAYO SA LOOB NG SIYAM NA BUWAN, SALAMAT TALAGA.
SA NASAKTAN KO NAMAN EMOTIONALLY,
ALAM NAMAN NATING MAGKAKAGRUPO NA IKAW YON ANGELINE, KUNG NASAKTAN MAN KITA EMOTIONALLY, ALAM KO NAMAN ALAM MO RIN NA BIRO LANG IYON.
KATULAD KAGABI, NOONG UWIAN NA, ALAM MO NAMAN NA NAGBIBIRO LANG AKO, KALTOK SA ULO TULOY ANG NAPALA KO SA'YO.
AH BASTA, SANA MAPATAWAD MO AKO.
HIGH SCHOOL LIFE (part III)
UNANG ARAW KO BILANG MAG-AARAL ANG NAAALALA KO LANG TALAGA,GUSTO KO LANG KAAGAD NA MAKILALA AKO NG MAGIGING GURO SA IKATLONG TAON.TARGET KO TALAGANG MAGPAKITANG GILAS SA KANILA LALONG-LALO NA SA MAGIGING TAGAPAYO O ADVISER NAMIN.WALA RIN AKONG IDEYA KUNG ANONG ITSURA NIYA,PINAGDARASAL KO LANG SANA HINDI SYA... ALAM MO NA DI ISTRIKTO,MASUNGIT, AT SANA RESPOSABLE TULAD NG NAGING TAGAPAYO NAMIN SA IKALAWANG TAON, SI SIR BERDAN. NANG HINAHANAP KO KUNG SAAN ANG ROOM NAMIN, MAY NAKASALUBONG AKONG BABAENG TEACHER.ALAM MO BA NAKASALAMIN SYA, PAGTINGIN NYA SA'KIN, ANG CUTE NG SMILE, MAY UNTI NGA LANG PIMPLES SA PISNGI.WALA AKONG KAALAM-ALAM NA SYA PALA ANG MAGIGING TAGAPAYO NAMIN. SA LOOB NG ISANG TAON.AT NANG MAGSIMULA NA ANG KLASE, NAGPAKILALA SYA, SINULAT NYA ANG PANGALAN AT APELYIDO NYA SA PISARA, MRS. MARY ANN T. MANLAGñIT . NACURIOUS TALAGA AKO SA APELYIDO NYA, NAHIRAPAN SA PAGBASA, AS IN "MANLANGIT" LANG PALA.
NANG NASA KALAGITNAAN NA NG PAG-AARAL, DITO NA AKO LALONG NAPAMAHAL SA MGA NAGING KAGRUPO KO.IMEMENTION KO PA BA? SILA SINA DUEñAS, GRAJO, FELEZARIO, LAGUMBAY, MOROS, MORALDE, PARCON, HERAMIZ, DAGUPAN, CRUZ, DOMPOR, DEOCAMPO, DELA TORRE AT SYEMPRE MAKAKALIMUTAN KO PA BA, ANG TUNAY KAIBIGAN, SI IWAG. SILA ANG MEMBER NG GROUP 2, AT SILA ANG HINDING-HINDI KO MAKAKALIMUTANG BAHAGI NG BUHAY KO. LUBOS AKONG NAGPAPASALAMAT NA NAGING MGA MAHALAGANG BAHAGI SILA NG NAKAKATAWA KONG BUHAY.
SYEMPRE HINDI MABUBUO ANG TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN KUNG WALANG TUKSUHAN, TAWANAN, ASARAN, DI PAGKAKAINTINDIHAN AT TAMPUHAN. SIGURO NAGWA KO ANG LAHAT NG ITO KAY ANGELINE.SA TINGIN MO KUNG HIHINGI AKO NG TAWAD, MAPAPATAWAD NYA KAYA AKO? SA SULAT KO NALANG IDADAAN ANG PAGHINGI KO TAWAD SA KANYA, BAKA SABIHIN NYA"OA" O KAYA NAMAN "ANG DRAMA MO KAINIS KA." ILAN SA MGA SALITANG TUMATAK SA ISIP KO NA MULA SA KANYA.
ISANG PUNONGKAHOY
MGA TEORYA
TATA SELO
KINAGISNANG BALON
HIMALA(LYRICS)
HIMALA
MALAYO PA ANG UMAGA(LYRICS)
SINAG SA KARIMLAN
BANYAGA
No comments:
Post a Comment