Friday, March 23, 2012

Proyekto sa Filipino III



Mga Akda


Kinagisnang Balon

 Ang Pamana

 Banyaga

 Himala

 Isang Punongkahoy


 Sinag sa Karimlan


 Tata Selo



Mga Gawain at Takdang-Aralin

 Artikel tungkol sa babaeng nagtagumpay sa buhay

 Tagline tungkol sa akdang Tata Selo

 Kantang Himala

 Katangian ng aking Ina

 Liham ng paghingi ng tawad

 Liham ng paghingi ng pasasalamat

 Kantang Malayo pa ang Umaga

 Mga dapat taglayin ng naghahanap ng trabaho

 Mga Teorya

 Rebyu ng isang pelikula

 Sanaysay na may larawan

 Karanasan sa Ikatlong taon


Hirap,Pasakit,Pagasa..

                                               Natapos ko na naman ang isang taon kong pagaaral sa susunod na taon ay nasa ikatlong taon na ako.Marami akong hinahangad na mangyari sa pagpasok ko sa ikatlong taon.Mapabuti ang pagaaral ko,alagaan ang sarili ko at ang pinakagusto ko sa lahat,ang magkaroon ng bagong inspirasyon upang matulungan ako sa pagaaral ko.Marami akong ginawang paghahanda habang ako'y nagbabakasyon.At sa tingin ko'y handa na akong harapin ang panibagong yugto sa buhay ko.
                                               Sumapit ang unang araw ng pasukan at eksayted akong naglalakad papuntang paaralan.Nanibago ako dahil naging panghapon ang oras namin madali naman akong nakapag-adjust.Sa mga panahong ito'y iniisip ko kung sino naman kaya ang babaeng papasok sa kwento ng buhay ko.Gabi-gabi kong hinihiling na sana'y hindi na maging lokohan ang susunod kong kwento ng pagibig.Takot na kasi akong masktan pa dahil mahirap pala talaga.
                                                Patuloy pa rin ang pagiging masipag ko sa pagaaral.Kahit na maraming mga kailangang gawing assignments at projects ay kinakaya ko naman.Minsan pa nga'y napasali ako sa isang aktibidad sa asignaturang Filipino.Natuon ako sa pagsayaw at noong mga panahong iyon ay gabi na ko umuuwi.Buti na nga lang ay hindi ko napapabayaan ang academics ko.
                                                 Dahil din sa aktibidad na iyon kung bakit kami naging close ni Juliet.Kilala ko na si Juliet noong nasa ikalawang taon pa lang kami at masasabi kong maganda talaga siya.Lagi kaming naguusap at hanggang sa sumapit na nga ang unang markahan at naging abala na rin ako sa pagaaral.Hindi na kami masyadong naguusap dahil marami na rin akong inaasikaso.Abalang abala talaga ako noong mga panahong iyon.
                                                 Ika-16 na Setyembre,nasa paaralan ako at kakadating ko lang noon galing JSES.Laban kasi namin noon sa Journalism.Nagkita kami ni Juliet at sinabi kong magpaload siya dahil gusto ko siyang makatext.Nung kinagabihan ay nagkatext nga kami.Hindi ko talaga akalain na magiging kami ng gabing iyon.Isang relasyon ang nabuo ng dahil sa isang lokohan.
                                                 Hanggang sa paglipas ng panahon,ang relasyon nami'y naging matatag.Ngunit habang masaya ako noong mga panahon na iyo'y nagkaroon naman ng sakit ang ama ko.Semestral break noon nang ma-confine sa ospital ang ama ko.Naging magisa na lang ako sa bahay at ang hirap kapag wala kang kasama.Hanggang sa umuwi na sila pap at naawa ako sa kanya dahil sobrang payat na niya.
                                                  Simula noong mga sandaling iyon,parang hindi na ako masyadong makapagconcentrate sa pagaaral ko.Sobrang naawa kasi talaga ako sa papa ko.Bawat araw bna lumilipas ay parang unti-unti siyang kinukuha ng Diyos sa amin.Hanggang sa buwan ng Disyembre at bakasyon na noon.Umuwi si Juliet sa probinsya nila may sakit din ang kanyang ama ngunit noong paguwi niya doon ay binawian na ito kaagad ng buhay.
                                                  Naawa ako sa kanya ng mga panahong iyon.Hanggang sa dumating yung araw naang kuhain na rin ng Diyos sa amin si Papa.Sobrang lungkot ko ng mga panahong iyon.Lagi kong tinatanong na bakit ako pa ang binigyan ng ganitong pagsubok.Pero pinilit kong maging matatag at magpatuloy sa pagaaral dahil kay Juliet.
                                                  Lumipas ang panahon at unti-unti ko ring natanggap na wala na ang aking ama.Medyo umayos ang aking pagaaral at tumataas na ang mga marka ko.Nagpapasalamat ako kasi andyan si Juliet para sa akin na naging dahilan kung bakit ko nalagpasan lahat ng pagsubok na dumating sa akin.Natapos na naman ang isang taon ko na puno ng hirap at pasakit.Ngunit sa huli,binigyan ako ng pagasa dahil nagkaroon ako ng inspirasyon para pagbutihin ko ang aking pagaaral upang maging maunlad sa hinaharap.=)




 Slogan sa akdang Himala


Mensahe ng Pagibig

Sa dinami-rami ng panahon na aking hinintay
Ika'y dumating at ako'y inakay
Ako'y pinasaya at iyong hiniwalay
Sa madilim kong mundong puno ng lumbay

Akala ko nung una ito'y isang lokohan
Pagkat sa mundong ito uso na ang padamihan
Ako'y nagkamali sa aking mga akala
Pagkat ikaw na pala ang tinadhana sa'kin ni Bathala

Kapit ka lang aking anghel,wag mong bibitawan
Ang kamay ko pagkat hindi kita papabayaan
May tampuhan,asaran at kadalasan kaligayahan
Mga alaala nati'y aking iingatan

Relasyon nati'y pinatatag na nang panahon
At hinding-hindi ito mabubuwag lumipas man ang dantaon
Tayo lang dalawa hanggang sa huli
Ito'y pangakong sinambit habang tayo'y magkatabi.







Mga Quizzes





Ikatlong Markahan 


  

Ikalawang Markahan




Unang Markahan





                                                                                         Edward B. Dompor III-1                                                                    Pangkat II

No comments:

Post a Comment