UNANG MARKAHAN
IKALAWANG MARKAHAN
IKATLONG MARKAHAN
IKAAPAT NA MARKAHAN
SANAYSAY
''BUHAY ESKWELA,PUNO NG KABA!''
Hindi naging madali para sa akin ang harapin ang bagong yugto ng aking buhay.Puno ng kaba ang aking dibdib kahit na unang araw pa lamang ng pasukan.Hindi ko alam kung anu-anong mga pagbabago ang aking kakaharapin bilang mag-aaral ng ikatlong taon.Wala akong ideya kung sinu-sinong mga guro ang magtuturo sa amin sa bawat asignatura.Hiniling ko na sana ay maging maayos ang buhay ko kasama ang mga bagong kamag-aaral at mga bagong guro.
Lumipas ang unang araw ko sa eskwela na si Gng.Manlagñit pa lamang ang nakilala.Hindi ko maipaliwanag ang akaing nadarama.Gulung-gulo ako,sabik ako na makita at kilalanin ang aking mga magiging guro subalit sa kabilang banda,matinding kaba ang bumabalot sa aking puso.Ikalawang araw na nang sila'y magpakilala sa amin.Sa mga gurong aking nakita,kina Gng.Marquez at Gng.Mixto ako nakadama na kakaiba.Nangingilag ako sa mga tingin nila at tila may takot na biglang sa aki'y bumalot.Noong mga panahong iyon,kasama ko ang ilan sa mga malalapit kong kaibigan.Sinabi nila na 'wag daw akong matakot dahil mababait ang lahat ng aming mga guro.Gayun pa man,pinilit kong huwag nang intindihin ang aking nadarama.
Nagdaan ang mga araw at mabilis na lumipas ang panahon.Aking napagtanto na masaya ako kasama sila,aking mga guro at mga kaibigan.Unti-unti kong nararamdaman ang pagkawala ng takot at kaba sa tuwing ako'y nasa eskwela.Lalong naging makulay at masaya ang aking buhay nang magsimulang mabuo ang orihinal na "Pangkat 2".Maganda ang samahan ng aming grupo kahit na minsa'y may hindi pagkakaunawaan.Nagpapasalamat ako sa Panginoon sapagkat dininig niya ang aking mga hiling at panalangin.Naging mahirap man ang aking simula,natagpuan ko naman ang lubos na ginhawa at tuwa.
TULA
''HINDI LANG IKAW''
Sa aking pagkakatanda,ito'y nagsimula sa wala,
Damdaming hindi maipaliwanag kung bakit lumala.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sayo'y nahulog nang tuluyan,
Lumipas ang mga araw nang hindi namamalayan.
Ikaw ang nais makita sa tuwing umaga,
Ikaw ang nais makasama sa tuwi-tuwina.
Tinig mo ang nais kong madinig ,ngalan mo ang bukang bibig,
Maging sa panaginip ikaw ang aking hinahanap.
Ngunit isang gabi aking napagtanto,
Pag-ibig na nadarama ay hindi wasto.
Hindi pa man tayo,bakit ako'y nagkakaganito?
Maling damdamin itong aking nadarama.
Mahirap man ang ikaw ay kalimutan,
Masakit man sa akin na ikaw ay layuan,
Ngunit ito lamang ang tanging paraan,
Upang ang dalawa sa atin ay di na masaktan pa ng lubusan!
GRAJO, KATHLEEN R. III-1
No comments:
Post a Comment