Bakit sadyang kaydamot ng tadhana?
Mahal kita , ngunit iba ang iyon nadarama
Hindi kaya't sadyang ikaw lamang talaga?
ann nagpapatibok sa puso ko tuwina.
Bakit ikaw pa?, marami naman diyang iba!
Ngunit anong magagawa , sa'yo lamang akong talaga.
Sa tuwing pipikit , ikaw ang nasa panaginip
Teka nga muna! at ako'y iidlip ng saglit.
Tila isang bangungot na ayaw ko ng magising,
Ngunit anong magagawa , ikaw ang nais makapiling
Nagmula sa langit , bumagsak sa lupa,
Salamat kay Bathala at siya'y iyong nilikha.
Naakasakit kapag mayroon kang ginigiliw
Hindi ko nga mabatid kung bakit ako sayo'y baliw na baliw.
Sana'y pagmasdan mo ako , o aking minamahal,
Upang iyong maramdaman ang wagas at tunay na pagmamahal.
Jacqueline A. Moros
No comments:
Post a Comment