Bakit Ganito ?
Angeline K. Moralde
Bakit ganito ang nadarama ?
sa tuwing ikaw ay nakikita
puso'y umaapaw sa kagalakan
tila isang bulkang nais sumabog !
Kapag ika'y nakitang ngumiti,
di maiwasang ako'y humanga
para kang isang anghel
na bumaba para lang sa akin !
Puso ko'y nalilito
Di alam kung ano ito;
Pag-ibig na kaya
o sadyang paghanga lang ?
Bakit ba ganito ?
Hindi ko alam kung bakit ikaw
Sana ako na lang din
para happy ending na !
Marami akong paghihirap na nararanasan ngayong 3rd yr. ako. Dito ko naranasan ang matulog ng alas 5 ng umaga at gumising ng alas 6 ng umaga para lang matapos ang isang proyekto.Naranasan ko rin ang ma-late sa isang subject ng dahil din sa project.Naranasan kong mapagalitan ng dahil doon.Dito rin ako unang nakakita ng guro na umiyak ng dahil sa estudyante.(sino kaya yun ?)Naranasan ko rin ang asarin ng mga teachers.At higit sa lahat naranasan ko dito ang pagrerecord ng sandamakmak na papel sa dalawang subjects.Gayunpaman,masaya ako at naranasan ko ang mga iyan.Salamat kay Gng. Mixto at Gng. Tapar sa pagbibigay sa akin ng mga gawain.
Kung may hirap syempre may saya,nahanap ko ang saya na iyon sa mga kagrupo ko ,ang pangkat 2 o tinatawag naming " CHUPACHUPS GROUP. "Dito sa grupo namin nagkakaintindihan kami.Laging laugh trip ang tema namin.Ang saya dahil suportado namin ang bawat isa.Kahit nagkaroon ng konting di pagkakaunawaan sa pagitan ko at ng mga member ko ay naayos namin at naibalik ang dati naming samahan.Sobrang saya ko at naging parte ako ng Group 2.
Mas naging masaya pa ako nang mabuo ang "La MoGraDas" na binubuo nina Lgumbay,Grajo,Duenas at siyempre ako.Binuo namin ito sapagkat lagi kaming magkakasama.Hindi niyo kami mapaghihiwalay.Sila ang masasabi kong mga bestfriends ko.Nagtutulungan kami sa lahat ng bagay.Masaya ako kasi nakasama ko sila.At ngayong magtatapos na ang buhay 3rd yr ko,masasabi kong ito ang pinakamasaya dahil sa tatlong taon kong pag-aaral dito sa MNHS,dito ko naranasan ang lahat.May saya,may lungkot,may kabiguan,may tagumpay at siyempre may hirap at ginhawa.Salamat sa lahat ng naging bahagi ng buhay 3rd yr ko.
Bagong Karanasan

No comments:
Post a Comment