Sunday, March 25, 2012

Chrismae Q. Lagumbay

                                                              "Karanasan ko"
     
      Maraming pangyayari ang hindi ko inaasahan sa taon ko bilang isang 3rd yr., mga karanasang nagpasaya, nagpaluha at nagpainis sa akin. Una diti ang pagkakaroon ko ng mga panibagong kaklase. Nakakatuwa na makasalamuha kami ng bago, yun nga lang mayroon iba na nahiwalay sa amin. Kaya medyo hindi ako sanay na walang kausap masyado. Buti nalang talaga madali akong nakapag adjust sa mga katabi ko, itong karanasan na ito ang nagpaintindi sa akin na kahit saan kailangan koong makisama.
     Sa mga karanasan ko, gustong-gusto ko yung kapag may performance kami lalo na sa pagsasayaw. Isa sa mga nag-pasaya ng taon ko ay ang pagkakasali ko sa INDAK DANCE TROUPE, dun naranasan kong mag perform sa ibat-ibang lugar sa labas ng eskwela. Ang sarap sa pakiramdam kapag nananalo kami, lalo na nung sumali kami sa SM City Masinag, MAMBUGAN ang may pinakakonting entry nun kaya parang nawalan kami ng pag-asa. Pero GOD'S WILL! kami ang CHAMPION!. Sana sa 4th year tuloy-tuloy parin ang pagsayaw ko.
     Syempre hindi ko makakalimutan sa mga karanasan ko ang pagiging estudyante sa loob ng klasrum. Maraming ginagawa, kadalasan pa nga pag pasahan ng mga projects, halos lahat nag-hahapit. At dahil dun naranasan kong magpuyat ng bonggang-bongga. Minsan nakakairita na kasi sabay-sabay magbigay ng projects yung mga teachers, pero napag-isipisip ko na kasalanan korin kasi hindi ko ginawa agad. Ngayong Grading nagpasa ako ng Portfolio sa english, GRAVE!!! pinaghirapan ko bawat page nun kahit may mali-mali nuh, tapos alam niyo nangyari? sinabutahe lang naman ng section 5 , nakita ko sirs-sirs na tapos, hiwa-hiwalay na, GRAVE TALAGA!!!! parang gusto ko na umiyak nung makita ko yun. Alam na ata ni ma'am Marquez yung gumawa, ako rin alam ko na kung sino sa section 5, pero ayun hanggang titig lang ako nang masama.
     Lahat-lahat naman sa kabuuan ng taon ko masasa kong masaya naman. Part naman talaga ng pag-aaral ang problema kaya eto keri lang.                                                      



Karanasan ko

"Alam ko Andyan ka Lang"

Hindi pa man kita nakikilala 
Alam ko balang araw tayo'y magkikita
Asahan na hihintayin ka
Hanggang sa arw na tayo'y handa na

Sana'y di ka tulad ng iba
Na nagpapaasa lamang sa tala
Hangad ko na sa aking pag-idlip
Makita't makasama ka sa panaginip

Kmausta ka, aking mahal
Na tanging hiling ko sa may kapal
Sa aking puso ikaw ay itatago
Pangarap ko na ibigin mo

Hindi man agad kita makita
Ako'y mag-iintay sa tuwina
At isang araw, tayong dalwa
Maglulunoy nang magkasama

Alam ko Andiyan ka Lang

UNA,IKALAWA,AT IKATLONG MARKA
                                     
Kabuuan






IKAAPAT NA MARKAHAN
Kabuuan




























No comments:

Post a Comment