Sunday, March 25, 2012

♥"ANG  MASAYA KONG BUHAY SA IKATLONG TAON"♥

unang araw pa lamang ng aming klase, nakaramdam ako ng takot, sa aking punungguro na akala ko ay isang dragon kung magalit. Nang ipakilala niya ang kanyang sarili, nagtaka ako sapagkat kakaiba ang ispeling sa pronunciation ng kanyang apilyedo gayon paman kinagagalak ko siyang makilala. pagkatapos nun ay isa-isang nagpakilala sa harapan ang aking mga kamag-aral. Sobrang saya ko talaga dahil nag kataon naman nangangailanagan ng magtitinda sa kantin, kaya nagbolontaryo ako doon.Tapos, nagkaroon ng simpleng programa sa paaralan na kung saan ay pinaalala ang mga regulation sa eskwela.


Pangalawang araw sa eskwela, simula na ng unang aralin sa iba't-ibang asignatura.Akala ko ay masusungit ang mga guro sa ikatlong taon, ngunit hindi naman pala . Masaya rin ako ng makadaupang palad ko na ang mga taong akala ko dati ay maarte, mataray at mapagmataas. Kung sa bagay ay baguhan lang ako sa seksyon 1 , nang di kalaunan ay nagkakilanlan din kaming lahat sa isa't-isa. Ang hindi ko nagustohan ay yaong nasa unang seksyon ay nakukuha pang magmataas sa kapwa niya. Gayunpaman, may iba't-ibang ugali ang aking mga kaklase na kailanggan ko pang pakisamahan. Wala akong natatandaan kung may nakaaway ako pero mayroon naman na nakatampuhan Para sa kanya, humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng nagawa ko sayo. Salamat dahil sa ilang taon natin pinagsamahan ay nariyan ka at hindi mo ako iniwan.


Sa mga sumunod pang araw ay parang tulad na rin ng karaniwang pakikitungo namin sa isa't-isa. Ang saya-saya ko ng makita ko ang kauna-unahang napusuan ko sa ikatlong taon. Mas sumaya pa nang magkaroon kami ng mga bagong kamag-aral. Malugod naman namin silang tinanggap sa unang pangkat ng ikatlong taon. Lumipas na ang ilang buwan at ang aming mga markahan.Nananatili parin matatag ang nagkakaisang grupo ng pangkat dalawa.Sa aking buhay bilang isang mag-aaral ng ikatlong taon pangkat-isa masasabi kong makasaysayan ito para sa akin..

JACQUELINE A. MOROS



"Bakit nga ba mahal kita?"

Bakit sadyang kaydamot ng tadhana?
Mahal kita, ngunit iba ang iyong nadarama
Hindi kaya't sadyang ikaw lamang talaga?
Ang nagpapatibok sa puso ko tuwina.

Bakit ikaw pa?, marami naman diyang iba!!!
Ngunit walang magagawa, sa'yo lamang akong talaga.
Sa tuwing pipikit, ikaw ang nasa panaginip
Teka nga muna! at ako'y iidlip ng saglit.

Tila isang bangungot na ayaw ko nang magising ,
Ngunit anong gagawin, ikaw lamang ang nais makapiling.
Nagmula sa langit, at bumagsak sa lupa,
Salamat bathala at siya'y iyong linikha.

Napakasakit kapag mayroon kang ginigiliw
Hindi ko nga mabatid, kung bakit ako sayo'y baliw na baliw .
Sana'y pagmasdan mo ako, o aking minamahal,
Upang iyong maramdaman ang wagas at tunay na pagmamahal.
Mga gawain
MGA AKDA

Ikatlong markahan

Ikalawang markahan


 Unang markahan


JACQUELINE A. MOROS
III-1

No comments:

Post a Comment