Monday, January 02, 2012

Tatak ng Yakuza

      Si Jerry ay nagtratrabaho sa isang club bilang isang waiter. Nagkaroon ng isang kaguluhan, tumulong siya at tinalo ang mga pasimuno ng gulo. Nagpahatid si Mr. Okada sa kanyang bahay kay Jerry at sinabihan si Jerry na darating ang panahon na makakabawi rin sya sa pagtulong sa kanya nito.
      Kinabukasan, pumasok si Jerry sa trabaho pero ipanaalam ni Mr. Oka na tanggal na siya sa trabaho. Nang pauwi na siya ay inabangan siya ng mga nakasagupa niya dati sa club at pinagtulungan siyang bugbugin. 
      Binigyan ni Mr. Okada si Jerry ng trabaho sa Japan, sinagot na ni Mr. Okada ang lahat ng gastos ni Jerry papuntang Japan.
      Pagkarating ni Jerry sa Japan agad niyang hinanap si Mr. Ono. Dahil sa sulat ni Mr. Okada kay Mr. Ono nagkaroon agad ng trabaho si Jerry bilang isang waiter sa club ni Mr. Ono. Nakituloy siya kay William, kababayan niya na nagtratrabaho rin sa club. Nakilala rin niya si Linda isang dancer. Sina Jerry at Linda ay nag-iibigan kaso lng hindi ito pinahintulutan ni Mr. Ono. Nahuli sila ni Mr. Ono na magkasama at pinagbantaan na sila ay papatayin oras na makitang magkasama ulit sila. Gumawa ng paraan ang dalawa, hinanap nila ang kanilang mga pasaporte at bumalik ng Maynila.
       Kahit nakabalik na sila, ay may mga yakuza pa rin sa Maynila at gusto silang patayin. Pinagtangkaan silang patayin ngunit si Emma, kapatid ni Jerry ang napatay.
       Pumunta si Jerry kay Mr. Okada upang humingi ng tulong . Binigyan ng payo ni Mr. Okada si Jerry upang hindi ito mamatay. Nangako ng tulong si Mr. Okada sa kondisyong pagkatapos niyang tumulong ay kalilimutan na siya nito. Sinalakay si Jerry habang papauwi ngunit nabigo ang pagsalakay na ito. Sinalakay rin si Linda, kinuha si Linda upang gawing hostage at mapapunta si Jerry sa kanila. Ibinigay ni Simon, kamag-anak ni Jerry ang papel kung saan matatagpuan si Linda kay Jerry nangdumating na ito. Sinabi ni Jerry na ibigay ni Simon ang papel sa kapitan ng pulis upang malaman ang kanyang lokasyon. Nagawa nilang mailigtas si Linda at nalaman ni Jerry na si Mr. Okada pala ang  pinuno ng yakuza. 
                
                                                                                                                    Ibinuod ni :
                                                                                                             Jemar P. Heramiz

No comments:

Post a Comment