Sunday, January 15, 2012
Impeng Negro (buod)
Isang umaga ginising si Impen ng kanyang ina upang umigib ng tubig sa gripo.Bago siya umalis ay pinaalalahanan siya ng ina na kung sakaling magkita at magpang-abot sila ni Ogor ay huwag niya na lamang itong pansinin.Nagtungo na si Impen sa igiban,gaya ng kinasanayan tumambad sa kanya si Ogor at ilang kapwa agwador.Pagkalipas ng ilang sandali bumalik si Impen upang muling umigib.Naroon sina Ogor ng mga oras na iyon at tulad ng inaasahan niya,katakot-takot na panunukso na naman ang matatanggap niya mula sa mga ito.Sinubukang magtimpi ni Impen at piniling manahimik na lamang sana upang makaiwas sa gulo na siya namang kabilin-bilinan ng kanyang ina.Subalit tila sadyang itinakda ang araw na iyon upang ang away na namamagitan sa kanila ni Ogor ay mawakasan na.Dumating na nga sa puntong hindi na napigilan ni Impen ang kanyang sarili lumaban siya ng buong tapang at lakas hanggang sa mapasuko niya ang kaaway na si Ogor.Dito na nga nagtapos ang sigalot sa pagitan ng dalawa. KATHLEEN R. GRAJO III-1
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
:))
ReplyDeletethank you po
ReplyDeleteThank you for this post :)
ReplyDeleteBuod Ng Impeng Negro
Buti na lang may buod! thanks!
ReplyDeleteGamitin ang salita sa pangungusap