Isang pangaral na pagkagising na pagkagisingniya ang naririnig niya sa ina na baka makipag-away nanaman siya at nais pang matulog ni Impen ngunit kung hindi siya lalakad ng maaga ay tatanghaliin siya sa pag-uwi.Sa sulok ng kanyang kaliwang mata ay nakita ang ina na pinasususo ang bunso niyang kapatid at matagal na napako ang tingin niya sa kapatid na si Kano,ang sumunod sa kanya.Ito ay maputikaya Kano ang tawag sa kanya,pati ang mga kapatid niya na marurursing ngunit mapuputi.May pitong taon na si Kano samantalang siya naman ay maglalabinganim na taong gulang na.Payat siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas at muli nanaman niyang narinig ang pangaral ng ina na "Si Ogor ay huwag ng pansinin" ngunit lagi niyang naiisip ang mga masasamang panunukso nito sa kanya at kamakailan ang pinagmulan nila ng away.Sa katagalan din ay natanggap niya rin ang mga panunuksong iyon dahil ang tatay niya ay isang sundalong Negro na nang maging anak siya ay biglang nawala sa Pilipinas dahil nga sa sarisaring panunukso ay tinatanggap niya na lang dahil nga sa bihira na at mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada ay siya nang nagpatuloy sa pagaagwador at siya na rin ang sumasalo ng lahat ng panunukso at mula noon nagsimula nang umalimpuyo ang kanyang dibdib na ang dati'y binhi lamang ng isang paghihimagsik sa pook na iyon na ayaw magbigay sa kanila ng pagkaaktaong mabuhay ng malaya at habang papunta sa gripo ay nakita niya ang mga batang nakatingin sa kanya kaya't siya ay napatungo na lamang at di kalayuan ay natatanaw niya si Ogor,halos kasinggulang niya si Ogor ngunit higit na matipuno ang katawan nito at malakas ito,tuwid ang tindig at nang makarating ay matiyaga siyang naghintay at nagpakabilad sa araw upang makasahod dahil nga iniiwasan niya si Ogor e parang nasa harap niya lang ito dahil sa pang-aasar nito ay lahat ng agwador ay nagtatawanan at mas nangingibaabw ang tawa ni Ogor at nang napuno na ang balde ni Ogor ay napangiti siya sa pagaakalang hindi na makakabalik si Ogor at nang siya ay nagsahod na ay bigla siyang hinawakan sa balikat at nang dumating si Ogor ay agad niyang tinabig ang balde ni Impen at natapon ang kakaunting nasahod na tubig at nang tumayo si Impen ay pinatid ito ni Ogor kaya siya ay nauntog sa semento at dumugo ang likod ni Impen at pagkatayo ay binayuhan niya si Ogor at nang napailalim si Ogor ay binugbog niya ito nang husto hanggang sa pumutok ang nguso ni Ogor at hanggang maubos ang lakas at sumuko nga si Ogor.Napasuko niya si Ogor at tinitigan niya sa mata ang nakabulagtang si Ogor at biglang tumahimihk ang paligid dahil wala ni isa man sa kanila ang nakapagsalita o makakibi at maraming hindi makapaniwala at lahat ay napatingin sa kanya at tinitigan niya ang lahat ng ito isa-isa at tila walang pagtutol at ang nabaabkas niya ay paghanga.May luha siya sa mata ngunit may tuwa siyang nadarama.Muli niyang tinitigan ang nakabulagtang si Ogor,sa matinding sikat ng araw tila siya ang isang mandirigmang sugatan ngunit matatag na pinagwagian ang larangan.
Ibinuod ni :
Marven B. Dela Torre
No comments:
Post a Comment