Tuesday, January 17, 2012

Amo

     Umiikot ang kuwento kay Leon. Siya ay mabait, masipag at responsable sa kanyang pamilya.
     Nakulong si Leon sa salang hindi naman niya ginawa. Sa loob ng bilangguan siya ay nagpakabait. Dahil sa magandang rekord niya sa loob ng kulungan, siya ay binigyan ng isang linggong laya. Ang isang linggong ito ay gagamitin niya para itama ang mga maling nangyari. Si Leon ay pinasok ng isang kaibigan sa isang trabaho, lingid sa kaalaman ni Leon ito pala ay grupo ng sindikato.
     Sa kanyang pinapasukan ay may nagbibigay ng impormasyon sa mga pulis. Nalaman ito ng kanilang amo at ipinatawag si Leon. Si Leon ang pinaghihinalaan nila na nagtatraydor. Ipinapatay ng amo nila si Leon ngunit nang papatayin na ito ay tinulungan siya ng kanyang kaibigan. Binaril niya ang inutusan ng kanyang amo ngunit nabaril rin siya. Sinabi ng kaibigan niya na siya ang nagbibigay ng impormasyon sa mga pulis. May iniabot ito kay Leon na mga dokumento bago ito mawalang ng buhay. Ang mga dokumentong ito ay makapagpapatunay na hindi siya ang may sala. Nang umuwi si Leon sa kaniyang bahay ay wala na ang kanyang asawa. Inisip nito na ang amo niya ang nagpadakip. Tinawag niya ang major na nakatalaga sa Police Headquarters at sinabi na nasa kanya na ang mga dokumento, humingi si Leon sa major ng tulong para makuha ang asawa.
     Nagkaroon ng putukan sa pagitan ng pulis at sinidikato. Nabaril ni Leon an g amo niya at nakita niya ang asawa. Galak na galak sa katuwaan ang dalawa at magkasama na rin sila ng panghabang buhay na walang manggugulo sa kanila.

                                                                                                           Ibinuod ni:
                                                                                              Gerolaga, James Carlo V.

1 comment: