Saturday, January 07, 2012


“Impeng Negro”
Maralitang namumuhay si Impen kasama ang kaniyang ina at mga kapatid na sina Kano,Boyet at Dingding.hindi maikakaila ang pagkakaroon ng tatlong asawa ng kaniyang ina. Sari-sari silang magkakapatid iba-iba ang kanilang mga ama. Ngayon maroon nanamang ipinagbubuntis ang kaniyang ina.

Ang ama ni Impen ay isang sundalong negro at mula noong siya ay ipanganak hindi na muling nagpakita ang kaniyang ama.
                Disisais anyos na si Impen, maitim ang kaniyang balat at kulot ang kaniyang buhok. Malayong-malayo ang pisikal na kaanyua niya sa kapatid niyang si Kano na maputi, kasing kulay niya ang iba pa nilang mga kapatid. Kaya naman kay Impen ang lahat ng tukso. Isa na dito si Ogor na kapwa agwador ni Impen. Ngunit lagging isinasaisip ni Impen ang bilin ng kaniyang ina na huwag na lamang pansinin ang mga pangungutya ni Ogor.

                Dumating ang isang araw na nagkainitan ang dalawa,ginamit ng dalawa ang kanilang mga bisig upang makaganti sa isa’t-isa. Mangiyak-ngiyak si Impen ngunit galit ang kaniyang nadarama. Hindi na siya nakapagtimpi at ibinuho ang galit kay Ogor, suntok dito, suntok diyan. Hanggang manlupaypay na si Ogor, at narinig ni Impen ang pagsuko nito. Napatigil siya at tumayo. ang mga taong nasa kanilang ay may paghangang makikita sa kanilang mga mukha.
Lumuluha si Impen sa mga oras na iyon ngunit may kagalakan siyang nadarama. Naramdaman niya ang lakas sa kaniyang katawan. Sa ilalim ng sikat ng araw, bagama’t sugatan, siya ay waring isang mandirigmang hindi matitinag.
“Si Agimat at si Enteng Kabisote”
Sa mundo ng mga taga-lupa ay maayos na namumuhay ang mga Kabisote. Si Benok panganay na anak ni Enteng ay may planong tumungo sa Japan para sa isang training ngunit tutol si Enteng, di katagalan ay tinanggap na ni Enteng ang desisyon ng anak.
Sa Kabilang mundo, ang mundo ni Agimat sa Amullet, may kinakalaban si Agimat na halimaw doon, sa paglalaban nilang dalawa pumunta sa engkantasya ang halimaw at sumunod naman si Agimat, nilabanan ni Enteng si Agimat sa pag-aakalang kalaban din ito. Di nagtagal ay nagkaunawaan din sila dahil kay Ina-Magenta. Tinulungan ni Enteng si Agimat upang sugpuin ag halimaw sa lupa.
Inakala nila na tapos na ang laban ngunit hindi pa pala. Si Satana at panginoon ng kadiliman ay nagsabwatan upang masupil ang kabutihan. Agad ding kumilos si Agimat at Enteng. Sa pamamagitan ng kanilang pagtutulungan ay natalo nila ang mga kampon ng kadiliman.


Ibinuod ni:
Chrismae Lagumbay

No comments:

Post a Comment