Naganap ang kuwento sa pinagkukuhanan nila ng tubig. Malayo pa lang at nakikita na ni Impen ang pilahan ng mga balde. Tanghali ng noon at inaantok pa siya ngunit kailangan niyang mag-agwador para ipambili ng gatas ng kapatid. Habang naglalakad sinisabi niya sa sarili na sana'y wala roon si Ogor. Si Ogor ang matalik niyang kaaway ngunit mali ang inaakala niyang ito. Nang si Impen ay nasa pila na, inumpisahan na ni Ogor ang pangungutya kay Impen, ito daw ay negro. Hinid naman ito pinapansin ni Impen. Lumakad na si Ogor, kinuha ang balde ng timba at ihahatid ito sa may-ari. Nagpasalamat si Impen dahil aalis na ito ngunit maya-maya lang ay dumating si Ogor, malapit lng pala ang pinaghatiran nito. Sinabi ni Ogor na siya muna ang nasa pila ni Impen. Pilit niyang inagaw ang puwesto ni Impen. Aalis na sana noon si Impen ngunit pinatid siya ni Ogor. Bumagsak siya sa sahig at nagkaroon ng sugat ng sinipa sa pigi. Nandilim ang paningin ni Impen nang inaangat ang paa ni Ogor at siya ay sisipain muli sa pigi. Sinunggaban niya kaagad si Ogor at napailalim si Ogor. Matagal rin ang away dahil sa mga dagok ni Impen napasuko niya si Ogor at doon parang nakamit niya ang tagumpay sa pinagwagiang larangan.
Ibinuod ni:
Gerolaga, James Carlo V.
Mas maganda kung may kaayusan ang pormat at hindi isang talata lang!
ReplyDelete