Tuwing umaga mananaog si Impen upang umigib. Pinangaralan siya ng kanyang ina na huwag nang pansinin ni Ogor, talaga raw na gayon ang kanyang ugali: basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang biling ito ngunit sadya yatang hindi siya nakapagtitimpi kapag narinig niya ang masasakit na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na ang mula kay Ogor . Si Ogor kasi ang ang malimit magsimula ng panunukso.
Nakakaanim na karga na si Impen ngunit may isa pang nagpapaigib sa kanya. Tuwing tag-araw kasi ay malaki-laki ang kinikita ng mga agwador. Mahina kasi ang tulo ng tubig sa kanilang pook at bihira ang may poso. Mahaba-haba na ang pila ng balde sa gripo ng dumating siya. Hindi kalayuan sa gripo ay may isang tindahan, dito nakasilong ang iba pang agwador. Sa mga iyon ay kay Ogor agad siya napatingin. Pinilit niyang supilin ang hangaring makasilong dahil naroon sa tindahan si Ogor. Naupo na lamang siya sa kanyang balde.
Nagtitiis siya sa init ng siya ay tuksuin. Si Ogor iyon, hindi na niya kailangan lumingon upang malaman iyon. Si Ogor na ang sasahod, napakatagal para sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni Ogor. Napabugtong-hininga siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde . Nakadama siya ng galak habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng susundang balde.
Nakaalis na ang hihintay niyang mapunong balde, isasahod na niya ang kanya nang may pumatong sa kanyang balikat. Si Ogor iyon, malapit lng pala ang kanyang pinaghatidan ng tubig. Iginitgit ni Ogor ang kanyang balde, bahagyang nagtalo ang dalawa.
Bantulot na kinuha ni Impen ang kanyang balde at nagpasyang uuwi na lang siya at mamaya na lang ulit mag-iigib. Humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit pinatid siya ni Ogor. Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi ng nabitiwang balde at napasigaw siya ng malakas. Napaluhod siya sa madulas na semento. Habang nakaluhod, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang inangat ang mga ito, may dugo! Nanghilakbot siya at naisigaw ang pangalan ni Ogor.
Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa ni Ogor si Impen, gumulong sya at nabuwal ang lahat ng baldeng nakapila. Gumanti si Impen at nagkaroon ng matagal na pagsasalitan ng suntok.
Sa pagtatapos ng labanan, sumuko si Ogor. Isa-isang tinignan ni Impen ang mga nakapaligid sa kanya, walang pagtutol sa mga mata ng mga ito. Lumuha siya ngunit galak ang kanyang nadama.
Sa matinding sikat ng araw, tila siya ang mandirigmang sugatan ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.
Ibinuod ni,
Jemar P. Heramiz
No comments:
Post a Comment