Kagigising pa lamang ni Impen ay nangangaral na naman ang kanyang ina na huwag papansinin si Ogor, kapag pinansin niya iyon ay siguradung mababasag ulo na naman siya. ang trabaho ni Impen ay isang agwador at kanyang ina ay labandera, nang paalis na siya ay may ibinilin ang kanyang ina na ipagbili ng gatas ang kapatid na si Boy pa-uwi. hinalungkat niya ang kahon karton para kumuha ng kanyang kamiseta. Sa mga panunukso na hindi niya matanggap ay ang tungkol sa kanyang ina na naging dahilan ng dating pag aaway nila ni Ogor halos kasing gulang niya si Ogor ngunit higit na matipuno ang katawan nito at isa ring agwador ng marating na niya ang gripo ay natanaw na niya si Ogor sa tindahan kasama ang iba pang agwador. Si Ogor ang kinikilalang hari ng gripo tiniis na lang niya ang init ng araw kaysa sumilong sa tindahan, dahilmtutuksuhin na naman siya ni Ogor doon. Pagkakataon ni Ogor para sumahod pagkatapos ay nasabi niya na sana huwag ng bumalik si Ogor. Nang pagkakataon na niya na sumahod ay dumating na naman si Ogor at inagaw ang kanyang puwesto. Kukunin na sana ni Impen ang balde para ipagpaliban ang pagsahod sa pagkakataong iyon ay sinapid siya ni Ogor at duguan ang kanyang mukha. Sinipa-sipa siya ni Ogor at nilabanan niya ito at nasabi niya sa sarili na papatayin niya si Ogor at napasuko niya si Ogor. May saya siyang nadama pagkatapos pasukuin si Ogor. Tila isa siyang mandirigmang sugatan na nakatayo sa pinanalunang larangan.
Ibinuod ni: Dagupan, Peter Paul C.
Walang indensyon.
ReplyDelete