Sunday, January 01, 2012

Impeng Negro

     Isang umaga,paggising ni Impen ay narinig nanaman niya ang mga pangaral ng kanyang ina.Pangaral na dapat niyang tandaan kapag pupunta siya ng gripo.Paalis na siya nang muling marinig ang pangaral ng ina.
     Natatanaw na niya ngayon ang gripo at ang mga grupo na agwador na nagtatawanan,nagkukulitan at naghaharutan.Pumunta na siya sa hulihan ng pila at habang nag-aabang siya ay narinig niya nanaman ang mga panunukso sa kanya sa pangunguna ni Ogor.Tanggap na niya lahat iyon,ngunit ang hindi niya matanggap ay ang mga sinasabi nito sa kanyang ina.
     Laking pasasalamat niya ng makitang malapit nang mapuno ang huling timba ni Ogor dahil sa wakas ay makakasalok na rin siya.Nang siya na ang sasahod,laking gulat niya nang pigilan siya ni Ogor sapagkat gusto nitong siya muna ang mauna.Dahil sa pagmamatigas ni Impen,sinuntok siya ni Ogor hanggang sa siya'y matumba.At dahil sa sobrang galit ni Impen siya'y lumaban na.Ayaw niyang tumigil sa kakasuntok hanggang sa si Ogor na mismo ang sumuko at nagmamakaawan para tigilan na siya.Dahil doon nakaramdam si Impen ng kasiyahan sapagkat para siyang isang mandirigma na napagtagumpayan ang isang larangan.

                                                                                                      Ibinuod ni :                                                                                            
   Angeline K. Moralde    

No comments:

Post a Comment