Tuesday, January 17, 2012

Impeng Negro
 ni Rogelio Sikat

    Sa araw na iyon, Si Impen ay inutusan ng kanyang ina na mag-igib ng tubig at pinagbilinan na huwag makikipag-away at hayaan na lamang ang mga nangungutya sa kanya lalo na si Ogor. Si Impen ay may tatlong kapatid na sina Kano, Diding at Boyet. lahat sila ay may mapuputing kutis. Si Impen lamang ang naiiba sapagkat kulot ang kanyang buhok, sarat ang ilong at malirong na nguso. Ito ang dahilan kung bakit madalas siyang mapagtampulan ng tukso.
       Nagbalik siya sa batalan buhat-buhat ang kargahan. Lagi niyang isinasaisip ang bilin ng kanyang ina ngunit hindi siya makapagpigil kjapag naririnig niya ang pang-aasar sa kanya lalo na kapag nanggaling ito sa bibig ni Ogor. Ang nakaraan ng kanyang ina ay nagmistulang kahihiyan sa pagtingin ng lahat kaya't naibaling na lamang ay Impen ang panunukso.
       Sa pagsasahod niya ng tubig at dumating si Ogor at tila pinapaalis siya at hindi pa nakontento at pinatid ng tuluyan si Impen. Hindi na makapagtimpi soi Impen at tuluyan ng inilabas ang poot at pahihimagsik ng kanyang dadamin. Halos duguan na Ssi Impen at gayun din si Ogor ngunit balewala lang ito sa kanya.Ngunit sa kabila ng lahat ng nangyari may galak pa din siyang nadarama dahil napaghiganti na niya ang sarili laban sa mga nang-aapi sa kanya.



                                                                                                           Ibinuod ni:
                                                                                                           Jacqueline A. Moros 
 

Amo

     Umiikot ang kuwento kay Leon. Siya ay mabait, masipag at responsable sa kanyang pamilya.
     Nakulong si Leon sa salang hindi naman niya ginawa. Sa loob ng bilangguan siya ay nagpakabait. Dahil sa magandang rekord niya sa loob ng kulungan, siya ay binigyan ng isang linggong laya. Ang isang linggong ito ay gagamitin niya para itama ang mga maling nangyari. Si Leon ay pinasok ng isang kaibigan sa isang trabaho, lingid sa kaalaman ni Leon ito pala ay grupo ng sindikato.
     Sa kanyang pinapasukan ay may nagbibigay ng impormasyon sa mga pulis. Nalaman ito ng kanilang amo at ipinatawag si Leon. Si Leon ang pinaghihinalaan nila na nagtatraydor. Ipinapatay ng amo nila si Leon ngunit nang papatayin na ito ay tinulungan siya ng kanyang kaibigan. Binaril niya ang inutusan ng kanyang amo ngunit nabaril rin siya. Sinabi ng kaibigan niya na siya ang nagbibigay ng impormasyon sa mga pulis. May iniabot ito kay Leon na mga dokumento bago ito mawalang ng buhay. Ang mga dokumentong ito ay makapagpapatunay na hindi siya ang may sala. Nang umuwi si Leon sa kaniyang bahay ay wala na ang kanyang asawa. Inisip nito na ang amo niya ang nagpadakip. Tinawag niya ang major na nakatalaga sa Police Headquarters at sinabi na nasa kanya na ang mga dokumento, humingi si Leon sa major ng tulong para makuha ang asawa.
     Nagkaroon ng putukan sa pagitan ng pulis at sinidikato. Nabaril ni Leon an g amo niya at nakita niya ang asawa. Galak na galak sa katuwaan ang dalawa at magkasama na rin sila ng panghabang buhay na walang manggugulo sa kanila.

                                                                                                           Ibinuod ni:
                                                                                              Gerolaga, James Carlo V.

ANAK NI BABY AMA

Si Anghel ay isang taong basagolero na hindi kilala ang kanyang tunay na mga magulang inampon siya ng kanyang ama amahan na lider ng isang sindikato at nakaraan ilang linggo ay nabalitaan niya na namatay na ang kanyang ama amahan at ng  malaman niya 'yun ay higit na lumiyab ang kanyang determinasyon na mahanap ang kanyang mga magulang bukod doon ay naghiganti siya sa mga taong pumatay sa kanyang ama na isang grupo ng sindikato at dumating ang kanyang tiyo na kapatid ng kanyang ama amahan at tinulungan siyang maghiganti sa mga taong pumatay sa kanyang ama. Inisa-isa nila ang mga myembro ng sindikato na pumatay sa kanyang ama. napatay nila ang mga taong pumaslang sa kanyang ama at ang pinuno ng sindikatong iyon ay tumakas ang pangalan ay diego.Sa huli napatay nila ang lahat ng myembro ng sindikato na pinamumunuan ni diego at si Anghel ay nakulong sa mahabang panahon.


Ibinuod ni: Dagupan Peter Paul C.

Impeng Negro

     Naganap ang kuwento sa pinagkukuhanan nila ng tubig. Malayo pa lang at nakikita na ni Impen ang pilahan ng mga balde. Tanghali ng noon at inaantok pa siya ngunit kailangan niyang mag-agwador para ipambili ng gatas ng kapatid. Habang naglalakad sinisabi niya sa sarili na sana'y wala roon si Ogor. Si Ogor ang matalik niyang kaaway ngunit mali ang inaakala niyang ito. Nang si Impen ay nasa pila na, inumpisahan na ni Ogor ang pangungutya kay Impen, ito daw ay negro. Hinid naman ito pinapansin ni Impen. Lumakad na si Ogor, kinuha ang balde ng timba at ihahatid ito sa may-ari. Nagpasalamat si Impen dahil aalis na ito ngunit maya-maya lang ay dumating si Ogor, malapit lng pala ang pinaghatiran nito. Sinabi ni Ogor na siya muna ang nasa pila ni Impen. Pilit niyang inagaw ang puwesto ni Impen. Aalis na sana noon si Impen ngunit pinatid siya ni Ogor. Bumagsak siya sa sahig at nagkaroon ng sugat ng sinipa sa pigi. Nandilim ang paningin ni Impen nang inaangat ang paa ni Ogor at siya ay sisipain muli sa pigi. Sinunggaban niya kaagad si Ogor at napailalim si Ogor. Matagal rin ang away dahil sa mga dagok ni Impen napasuko niya si Ogor at doon parang nakamit niya ang tagumpay sa pinagwagiang larangan.

                                                                                                                      Ibinuod ni:
                                                                                                         Gerolaga, James Carlo V.

IMPENG NEGRO

Kagigising pa lamang ni Impen ay nangangaral na naman ang kanyang ina na huwag papansinin si Ogor, kapag pinansin niya iyon ay siguradung mababasag ulo na naman siya. ang trabaho ni Impen ay isang agwador at kanyang ina ay labandera, nang paalis na siya ay may ibinilin ang kanyang ina na ipagbili ng gatas ang kapatid na si Boy pa-uwi. hinalungkat niya ang kahon karton para kumuha ng kanyang kamiseta. Sa mga panunukso na hindi niya matanggap ay ang tungkol sa kanyang ina na naging dahilan ng dating pag aaway nila ni Ogor halos kasing gulang niya si Ogor ngunit higit na matipuno ang katawan nito at isa ring agwador ng marating na niya ang gripo ay natanaw na niya si Ogor sa tindahan kasama ang iba pang agwador. Si Ogor ang kinikilalang hari ng gripo tiniis na lang niya ang init ng araw kaysa sumilong sa tindahan, dahilmtutuksuhin na naman siya ni Ogor doon. Pagkakataon ni Ogor para sumahod pagkatapos ay nasabi niya na sana huwag ng bumalik si Ogor. Nang pagkakataon na niya na sumahod ay dumating na naman si Ogor at inagaw ang kanyang puwesto. Kukunin na sana ni Impen ang balde para ipagpaliban ang pagsahod sa pagkakataong iyon ay sinapid siya ni Ogor at duguan ang kanyang mukha. Sinipa-sipa siya ni Ogor at nilabanan niya ito at nasabi niya sa sarili na papatayin niya si Ogor at napasuko niya si Ogor. May saya siyang nadama pagkatapos pasukuin si Ogor. Tila isa siyang mandirigmang sugatan na nakatayo sa pinanalunang larangan.


Ibinuod ni: Dagupan, Peter Paul C.

Impeng Negro

Monday, January 16, 2012

"Petrang Kabayo"

     Sa simula ay nananginip si Peter na may humahabol sa kanya at bago siya tuluyang magising ay naing kabayo daw siya. Ginising siya ng kanilang trabahador dahil may nangyaring masama sakanyang Mama. Naospital pero gumaling ang kanyang Mama.
     Nagusap sila ng kanyang MAma at naalala nito ang sinapit ni Peter noong bata ito. Hindi tunay na anak ng Senyora si Peter. Noong bata pa ito ay pinagmalupitan siya ng kanyang tatay dahil bakla siya. Nang pinabantayan sa kanya ng kanyang tatay ang kanilang kabayo ay nakawala ito kaya biniugbog si Peter ng kanyang Tatay kaya lunayas siya. Nagpalaboy laboy si Peter hanggang sa makita siya nang Senyora. Inampon niya ito.
     Pagkatapos magkwento ng Senyora ay namatay ito dahil hindi kaagad nakainom ng tubig.
     Naging malupit si Peter sa mga trabahador at katulong nito. Nang makita niya ang kanyang itay at kapatid ay sinundan niya ito hanggang sa bahay nila. Puro masasakit na salita ang binigay ni Peter sa kanyang Ama at bago siya umalis ay sinabi niyang dadalhin niya ang kanyang kapatid. Nagpatuloy ang pagmamalupit niya lalo na sa kanyang kapatid at hindi rin niya pinalampas pati na sa kanyang kapatid at hindi rin niya pinalampas pati ang mga alaga niyang kabayo. Kaya lumitaw ang Diyosa ng mga kabayo at isinumpa siya na magiging kabayo sa oras na siya'y magagalit, may gagawing hindi maganda at mangaalipusta ng kapwa niya. Matatanggal lang ang sumpa kapag naging mabait siya o may lalaking hahalik sa kanya ng "lips to lips" habang kabayo siya.
     Sa una ay bumait siya pero hindi niya ito natagalan kaya naging kabayo siya. Nataon naman na namatay ang kabayo ni Erickson at siya ang pinalit dito. Pinangalanan siya ng Lola nito ng Petrang kabayo. May mga natulungan siya noong kabayo pa siya kaya bumalik siya sa pagiging tao. Bumalik siya sa kanyang tahanan at nagulat ang lahat dahil akala nila ay patay na si Peter. Ang kompanya nila noon ay may utang na 100,000,000.00 milyong piso.
     Naging kabayo ulit siya dahil nagalit siya sa kanyang abogado kaya pumunta siya sa kanyang kwarda sa bahay nila Erickson. Naging tao siya kinabukasan at nalaman ng Lola ni Erickson na siya at si Petrang Kabayo ay iisa. Binigyan siya ng payo ng Lola ni Erickson.
     Nataong may "Amazing Horse Race" na patimpalak at 100 milyon ang mapapanalunan. Piniplit ni Peter si Erickson na maging hinete ni Petrang kabayo. Napilit niya ito, nanalo sila at hinalikan ni Erickson si Peter habang kabayo pa ito at natanggal ang sumpa kay Peter. Naging masaya ang lahat sa pagkakataong ito.



Ibinuod ni:
Edward Dompor III-1

"Impeng Negro"

     Sa simula ay pinapangaralan na naman si Impen ng kanyang ina at sinabihan siya na dumaan kay Taba pagkauwi niya dahil wala nang gatas si Eboy. Umalis na siya suot ang kanyang lumang kamiseta.
     Habang tinatahak niya ang mabatong daan papuntang gripo ay nakikita niyang nagsusulputan ang mga ulo ng bata at matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi nababasa niya ang isinisigaw ng mga ito: Negro!
     Papalapit na siya sa gripo at katulad ng dati ay sinalubong siya ng tukso ng mga agwador sa pangunguna ni Ogor. Halos kasing edad lang ni Impen si Ogor pero mas malaki ang katawan ni Ogor.
     Tapos na si Ogor sa pagiigib at si Impen na sana ang magiigib nang makabalimagad si Ogor at mauna ito sa pila. Aalis na sana si Impen nang patirin siya ni Ogor.
    Nagsapakan silang dalawa hanggang sa natalo ni Impen si Ogor. Nagulat ang lahat sa nangyari. Sa matinding sikat ng araw, tila siya ang mandirigmang sugatan ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.



Ibinuod ni:
Edward Dompor III-1

impeng negro

Sunday, January 15, 2012

Impeng Negro (buod)

      Isang umaga ginising si Impen ng kanyang ina upang umigib ng tubig sa gripo.Bago siya umalis ay pinaalalahanan siya ng ina na kung sakaling magkita at magpang-abot sila ni Ogor ay huwag niya na lamang itong pansinin.Nagtungo na si Impen sa igiban,gaya ng kinasanayan tumambad sa kanya si Ogor at ilang kapwa agwador.Pagkalipas ng ilang sandali bumalik si Impen upang muling umigib.Naroon sina Ogor ng mga oras na iyon at tulad ng inaasahan niya,katakot-takot na panunukso na naman ang matatanggap niya mula sa mga ito.Sinubukang magtimpi ni Impen at piniling manahimik na lamang sana upang makaiwas sa gulo na siya namang kabilin-bilinan ng kanyang ina.Subalit tila sadyang itinakda ang araw na iyon upang ang away na namamagitan sa kanila ni Ogor ay mawakasan na.Dumating na nga sa puntong hindi na napigilan ni Impen ang kanyang sarili lumaban siya ng buong tapang at lakas hanggang sa mapasuko niya ang kaaway na si Ogor.Dito na nga nagtapos ang sigalot sa pagitan ng dalawa.                                                                                                                                                                                                                                             KATHLEEN R. GRAJO III-1                                                                                    

Saturday, January 14, 2012


 Paano na kaya?
ni Ruel Bayani

       Matalik na magkaibigan sina Mae at Bogs simula noong high school pa lamang sila. Wala silang itinatagong sikreto sa bawat isa. Sa paglipas nang panahon ay hindi na lang namamalayan ni Mae na unti- unti nang nahuhulog ang kanyang loob kay Bogs. Akala niya sa una na ito'y isang simpleng paghanga lamang sa kanyang matalik na kaibigan. Pero kalaunan ay napagtanto niyang ang kanyang nararamdaman para sa kanyang best friend ay hindi lamang isang simpleng paghanga kundi isang totoong pag-ibig.
       Inilihim ni Mae kay Bogs ang kanyang nararamdaman dahil alam niyang hindi tama at natatakot siya na baka iwasan siya ni Bogs. Bukod din sa katotohanang may mahal nang iba si Bogs at yun ay si Anna.
        Ginawa niyang lahat upang mawala ang kanyang nararamdaman kay Bogs pero mas lalong tumindi ang kanyang nararamdaman para dito sa paglipas nang panahon. Hindi na natiis ni Mae ang kanyang nararamdaman kay Bogs at nagkaroon siya ng pagkakataon na sabihin kay Bogs ang kanyang nararamdaman nang maghiwalay si Bogs at si Anna. Sinabi niya ang kanyang nararamdaman pati na rin ang pagiging manhid nito sa kanyang nararamdaman. Nabigla si Bogs sa kanyang nalaman mula sa kanyang kaibigan. Nang mapagtanto niya na may nararamdaman din siya para sa kanyang best friend.
        Niligawan niya si Mae at naging sila. Naging maligaya sila sa piling ng isa't isa kahit na sinubok ang kanilang relasyon ng mga problema. Si Anna na dating kasintahan ni bogs ay nagbalik at doon nakita ang katatagan ng pag-iibigan nila Bogs at Mae.
                                                                                                     Ibinuod ni: Nemiah F. Parcon

Friday, January 13, 2012

  Impeng Negro
ni Rogelio Sikat
        Si Impen at ang kanyang ina ay iniwan na ng kanyang amang negro.Sa kanilang magkakapatid ay sya 
lamang ang nag-iisang negro.
       Nang umagang iyon ay binilinan nanaman sya ng kanyang ina bago umalis upang umigib na huwag  nangpansinin ang mga panunukso.
        Pagdating niya sa may gripo,narinig nanaman nya ang tawanan at panunukso ng mga kapwa                   agwador lalong-lalo na si Ogor na kinikilalang hari sa gripo.Ngunit ang mga panunuksong ito ay matagal       na nyang tinanggap.         
         Nang panahon na ni Impen upang sumahod ay inagawan sya ni Ogor.Napag-isipan ni Impen na umalis na lamang.Sa kanyang pag-alis, pinatid sya ni Ogor at sya'y nabuwal at nagtamo ng sugat ga pisngi.Dahil doon
ay nagbugbugan ang dalawa at sa huli ay napasuko ni Impen si Ogor.


                                                                                                                    Ibinuod ni: Nemiah F. Parcon

Saturday, January 07, 2012


“Impeng Negro”
Maralitang namumuhay si Impen kasama ang kaniyang ina at mga kapatid na sina Kano,Boyet at Dingding.hindi maikakaila ang pagkakaroon ng tatlong asawa ng kaniyang ina. Sari-sari silang magkakapatid iba-iba ang kanilang mga ama. Ngayon maroon nanamang ipinagbubuntis ang kaniyang ina.

Ang ama ni Impen ay isang sundalong negro at mula noong siya ay ipanganak hindi na muling nagpakita ang kaniyang ama.
                Disisais anyos na si Impen, maitim ang kaniyang balat at kulot ang kaniyang buhok. Malayong-malayo ang pisikal na kaanyua niya sa kapatid niyang si Kano na maputi, kasing kulay niya ang iba pa nilang mga kapatid. Kaya naman kay Impen ang lahat ng tukso. Isa na dito si Ogor na kapwa agwador ni Impen. Ngunit lagging isinasaisip ni Impen ang bilin ng kaniyang ina na huwag na lamang pansinin ang mga pangungutya ni Ogor.

                Dumating ang isang araw na nagkainitan ang dalawa,ginamit ng dalawa ang kanilang mga bisig upang makaganti sa isa’t-isa. Mangiyak-ngiyak si Impen ngunit galit ang kaniyang nadarama. Hindi na siya nakapagtimpi at ibinuho ang galit kay Ogor, suntok dito, suntok diyan. Hanggang manlupaypay na si Ogor, at narinig ni Impen ang pagsuko nito. Napatigil siya at tumayo. ang mga taong nasa kanilang ay may paghangang makikita sa kanilang mga mukha.
Lumuluha si Impen sa mga oras na iyon ngunit may kagalakan siyang nadarama. Naramdaman niya ang lakas sa kaniyang katawan. Sa ilalim ng sikat ng araw, bagama’t sugatan, siya ay waring isang mandirigmang hindi matitinag.
“Si Agimat at si Enteng Kabisote”
Sa mundo ng mga taga-lupa ay maayos na namumuhay ang mga Kabisote. Si Benok panganay na anak ni Enteng ay may planong tumungo sa Japan para sa isang training ngunit tutol si Enteng, di katagalan ay tinanggap na ni Enteng ang desisyon ng anak.
Sa Kabilang mundo, ang mundo ni Agimat sa Amullet, may kinakalaban si Agimat na halimaw doon, sa paglalaban nilang dalawa pumunta sa engkantasya ang halimaw at sumunod naman si Agimat, nilabanan ni Enteng si Agimat sa pag-aakalang kalaban din ito. Di nagtagal ay nagkaunawaan din sila dahil kay Ina-Magenta. Tinulungan ni Enteng si Agimat upang sugpuin ag halimaw sa lupa.
Inakala nila na tapos na ang laban ngunit hindi pa pala. Si Satana at panginoon ng kadiliman ay nagsabwatan upang masupil ang kabutihan. Agad ding kumilos si Agimat at Enteng. Sa pamamagitan ng kanilang pagtutulungan ay natalo nila ang mga kampon ng kadiliman.


Ibinuod ni:
Chrismae Lagumbay

Wednesday, January 04, 2012

(PANGKAT 2)

Impeng Negro 
Nagmula si Impen sa isang maralitang pamilya,ang kanyang ina na isang labandera ay may apat na anak na sina Impen,Kano,Boyet at Diding.Si Impen sa murang gulang na labing-anim na ay nag-tratrabaho bilang agwador upang makatulong sa kanyang pamilya.
Sa araw-araw na pagtratrabaho ay laging syang pinaaalalahanan ng kanyang ina
na huwag nang pansinin si Ogor,isa ring agwador na sa tuwina ay sinasaktan si Impen dahiul sa kakaiba nitong anyo,dahil si Impen ay anak ng kanyang ina sa isang sundalong negro.Tinutukso din siya nito dahil sa pagkakaroon ng kanyang ina ng mga anak sa ibat`ibang lalaki.
Isang araw ay nang siya ay nagtratrabaho ay napagkatuwaan siyang tuksuhin ng iba pang agwador sa pangunguna ni Ogor,tinukso sya nito ngunit hindi iyon pinansin ni Impen dahil naalala niya ang bilin sa kanya ng kanyang ina,naiinis si Ogor dahil kahit anong tukso ang kanyang gain ay hindi siya pinapansin ni Impen,sinuntok nya ito,hindi lumaban si Impen kung kaya`t opatuloy itong sinuntok ni Ogor hanggang hindina niya natiis aysinuntok miya si Ogor,kakaibang saya ang naramdaman ni Impen ng mga panahong iyon. 




Joselle B. Felezario
III-1

"IMPENG NEGRO"

          Si impen ay labing anim na taong gulang, payat ngunit mahaba ang kanyang biyas. Pagkagising niya'y pinangangaralan nanaman siya ng kanyang ina tungkol sa kanyang pakikipag-away.
          Pagkatapos makuha ang kanyang kamiseta ay umalis na ito upang magigib. pagdating sa gripo ay agad siyang naghintay upang makaigib. Sa di-kalayuan ay nakita niya ang kapwa niyang agwador at si Ogor, Malaki ang pangangatawan nito at kahit sino ang makasalubong ay sinasagasaan. Tinutukso na naman siya, Ngunit hindi ito pinapansin.
         Nang siya na ang sasahod ay bigla itong sumingit, Walang siyang Nagawa kundi padaanin  ito at bumulong, Minasama ito ni Ogor kaya't pinatid niya ito, Nag-away ang dalawa. habang nakikipag-away ay naalala ni Impen ang panunukso sa kanya pati sa kanyang Ina, pagkalipas ng ilang saglit ay napasuko niya si Ogor. matinding kasiyahan ang naramdaman niya ng araw na iyon.

                                                                                                                        Ibinuod ni:
                                                                                                                        Christian Jose Iwag

Tuesday, January 03, 2012

The Unkabogable PRAYBEYT BENJAMIN

Ang pamilya ni Benjamin Santos VIII o Benjie ay mayroong tradisyong magsilbi sa bayan bilang alagad ng batas o militar ngunit sa kasamaangpalad ay hindi nya magagampanan ito dahil isa siyang bakla,tanggap siya ng kanyang mga magulang ngunit hindi ang kanyang Lolo na Heneral ng militar.

Sa isang hindi inaasahang pangyayari ay nakidnap ng isang armadong grupo ang kanyang Lolo at nagdiklara ang militanteng grupong ito ng isang pagaalsa laban sa pamahalaan,nanawagan ang pamahalaan sa lahat ng lalaki sa buong bansa sa sumama upang labanan ang miltanteng grupo.

Bilang pamilya ng mga sundalo inaasahang ang pamilya ni Benjie ay sasali sa  labanan ngunit nag-aalala si Benjie dahil sa may sakit ang kanyang ama,upanfg di mapahamak ang kanyang ama,napilitan si Benjie na sumali sa laban.

Marami syang nakilalang kaibigan sa kampo,na naging katulong nya sa pag-sugpo sa kalaban bagama`t alamng kanyang mga kaibigan na siya ay isang bakla ay tinanggap siya ng mga ito ng buong puso,.

Sa huli ay nagpai nila ang mga kalaban sa pagtutulungan,tinanggap di siya ng kanyamng Lolo at nabuhay siya ng maligaya.


Joselle B.Felezario
III-1
(PANGKAT 2)

Impeng Negro 
Nagmula si Impen sa isang maralitang pamilya,ang kanyang ina na isang labandera ay may apat na anak na sina Impen,Kano,Boyet at Diding.Si Impen sa murang gulang na labing-anim na ay nag-tratrabaho bilang agwador upang makatulong sa kanyang pamilya.
Sa araw-araw na pagtratrabaho ay laging syang pinaaalalahanan ng kanyang ina
na huwag nang pansinin si Ogor,isa ring agwador na sa tuwina ay sinasaktan si Impen dahiul sa kakaiba nitong anyo,dahil si Impen ay anak ng kanyang ina sa isang sundalong negro.Tinutukso din siya nito dahil sa pagkakaroon ng kanyang ina ng mga anak sa ibat`ibang lalaki.
Isang araw ay nang siya ay nagtratrabaho ay napagkatuwaan siyang tuksuhin ng iba pang agwador sa pangunguna ni Ogor,tinukso sya nito ngunit hindi iyon pinansin ni Impen dahil naalala niya ang bilin sa kanya ng kanyang ina,naiinis si Ogor dahil kahit anong tukso ang kanyang gain ay hindi siya pinapansin ni Impen,sinuntok nya ito,hindi lumaban si Impen kung kaya`t opatuloy itong sinuntok ni Ogor hanggang hindina niya natiis aysinuntok miya si Ogor,kakaibang saya ang naramdaman ni Impen ng mga panahong iyon. 




Joselle B. Felezario
III-1

Monday, January 02, 2012

Impeng Negro

     Isang pangaral na pagkagising na pagkagisingniya ang naririnig niya sa ina na baka makipag-away nanaman siya at nais pang matulog ni Impen ngunit kung hindi siya lalakad ng maaga ay tatanghaliin siya sa pag-uwi.Sa sulok ng kanyang kaliwang mata ay nakita ang ina na pinasususo ang bunso niyang kapatid at matagal na napako ang tingin niya sa kapatid na si Kano,ang sumunod sa kanya.Ito ay maputikaya Kano ang tawag sa kanya,pati ang mga kapatid niya na marurursing ngunit mapuputi.May pitong taon na si Kano samantalang siya naman ay maglalabinganim na taong gulang na.Payat siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas at muli nanaman niyang narinig ang pangaral ng ina na "Si Ogor ay huwag ng pansinin" ngunit lagi niyang naiisip ang mga masasamang panunukso nito sa kanya at kamakailan ang pinagmulan nila ng away.Sa katagalan din ay natanggap niya rin ang mga panunuksong iyon dahil ang tatay niya ay isang sundalong Negro na nang maging anak siya ay biglang nawala sa Pilipinas dahil nga sa sarisaring panunukso ay tinatanggap niya na lang dahil nga sa bihira na at mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada ay siya nang nagpatuloy sa pagaagwador at siya na rin ang sumasalo ng lahat ng panunukso at mula noon nagsimula nang umalimpuyo ang kanyang dibdib na ang dati'y binhi lamang ng isang paghihimagsik sa pook na iyon na ayaw magbigay sa kanila ng pagkaaktaong mabuhay ng malaya at habang papunta sa gripo ay nakita niya ang mga batang nakatingin sa kanya kaya't siya ay napatungo na lamang at di kalayuan ay natatanaw niya si Ogor,halos kasinggulang niya si Ogor ngunit higit na matipuno ang katawan nito at malakas ito,tuwid ang tindig at nang makarating ay matiyaga siyang naghintay at nagpakabilad sa araw upang makasahod dahil nga iniiwasan niya si Ogor e parang nasa harap niya lang ito dahil sa pang-aasar nito ay lahat ng agwador ay nagtatawanan at mas nangingibaabw ang tawa ni Ogor at nang napuno na ang balde ni Ogor ay napangiti siya sa pagaakalang hindi na makakabalik si Ogor at nang siya ay nagsahod na ay bigla siyang hinawakan sa balikat at nang dumating si Ogor ay agad niyang tinabig ang balde ni Impen at natapon ang kakaunting nasahod na tubig at nang tumayo si Impen ay pinatid ito ni Ogor kaya siya ay nauntog sa semento at dumugo ang likod ni Impen at pagkatayo ay binayuhan niya si Ogor at nang napailalim si Ogor ay binugbog niya ito nang husto hanggang sa pumutok ang nguso ni Ogor at hanggang maubos ang lakas at sumuko nga si Ogor.Napasuko niya si Ogor at tinitigan niya sa mata ang nakabulagtang si Ogor at biglang tumahimihk ang paligid dahil wala ni isa man sa kanila ang nakapagsalita o makakibi at maraming hindi makapaniwala at lahat ay napatingin sa kanya at tinitigan niya ang lahat ng ito isa-isa at tila walang pagtutol at ang nabaabkas niya ay paghanga.May luha siya sa mata ngunit may tuwa siyang nadarama.Muli niyang tinitigan ang nakabulagtang si Ogor,sa matinding sikat ng araw tila siya ang isang mandirigmang sugatan ngunit matatag na pinagwagian ang larangan.

                                                                                                                                Ibinuod ni :
Marven B. Dela Torre