Saturday, March 24, 2012

"I am Number Four" (movie review)

eksena habang kami ay nanonood ! :P

seryoso !

ayaw magpakuha ! tago !

Ito si Sarah ! (first love ni Number Four)

nanonood talaga ha !

hmm ? isip-isip !



marven ang mukha ! hmm ?

naks nagkakaintindihan !

ako yan at si marven ! haha !

si kua nagtago !


nice one moros !

si grajo seryoso !


eto naman ang eksena pagkatapos namin manood !


























Usap-usap kami jan at syempre foodtrip na din ! :D




eto naman ang eksena nung pauwi na kami !


















Class picture ang tema ! at jan natatapos ang panonood namin ! :D
Bakit Ganito ?
Angeline K. Moralde

 Bakit ganito ang nadarama ?
 sa tuwing ikaw ay nakikita
 puso'y umaapaw sa kagalakan
 tila isang bulkang nais sumabog !

 Kapag ika'y nakitang ngumiti,
 di maiwasang ako'y humanga
 para kang isang anghel
 na bumaba para lang sa akin !

Puso ko'y nalilito
Di alam kung ano ito;
Pag-ibig na kaya
o sadyang paghanga lang ?

Bakit ba ganito ?
                                                   Hindi ko alam kung bakit ikaw
                                                   Sana ako na lang din
                                                   para happy ending na !





Bagong Karanasan
Angeline K. Moralde

      Marami akong paghihirap na nararanasan ngayong 3rd yr. ako. Dito ko naranasan ang matulog ng alas 5 ng umaga at gumising ng alas 6 ng umaga para lang matapos ang isang proyekto.Naranasan ko rin ang ma-late sa isang subject ng dahil din sa project.Naranasan kong mapagalitan ng dahil doon.Dito rin ako unang nakakita ng guro na umiyak ng dahil sa estudyante.(sino kaya yun ?)Naranasan ko rin ang asarin ng mga teachers.At higit sa lahat naranasan ko dito ang pagrerecord ng sandamakmak na papel sa dalawang subjects.Gayunpaman,masaya ako at naranasan ko ang mga iyan.Salamat kay Gng. Mixto at Gng. Tapar sa pagbibigay sa akin ng mga gawain.


      Kung may hirap syempre may saya,nahanap ko ang saya na iyon sa mga kagrupo ko ,ang pangkat 2 o tinatawag naming " CHUPACHUPS GROUP. "Dito sa grupo namin nagkakaintindihan kami.Laging laugh trip ang tema namin.Ang saya dahil suportado namin ang bawat isa.Kahit nagkaroon ng konting di pagkakaunawaan sa pagitan ko at ng mga member ko ay naayos namin at naibalik ang dati naming samahan.Sobrang saya ko at naging parte ako ng Group 2.


                   Mas naging masaya pa ako nang mabuo ang "La MoGraDas" na binubuo nina Lgumbay,Grajo,Duenas at siyempre ako.Binuo namin ito sapagkat lagi kaming magkakasama.Hindi niyo kami mapaghihiwalay.Sila ang masasabi kong mga bestfriends ko.Nagtutulungan kami sa lahat ng bagay.Masaya ako kasi nakasama ko sila.At ngayong magtatapos na ang buhay 3rd yr ko,masasabi kong ito ang pinakamasaya dahil sa tatlong taon kong pag-aaral dito sa MNHS,dito ko naranasan ang lahat.May saya,may lungkot,may kabiguan,may tagumpay at siyempre may hirap at ginhawa.Salamat sa lahat ng naging bahagi ng buhay 3rd yr ko.




Proyekto sa Filipino

Unang Markahan



Ikalawang Markahan




Ikatlong Markahan




Ikaapat na Markahan


*Akda


   

 





















*Isahang Gawain at Takdang Aralin
















Angeline K. Moralde
III-1

TULA
   
                                                                      " Rosas"

                                                   Isang rosas sa iyo ay ibibigay
                                                   Isang rosas, di nakikita ninuman
                                                   Isang rosas na hindi napapalitan
                                                   Itong rosas sana ay iyong ingatan.

                                                  Itong rosas na kasing kulay ng apoy
                                                  Na nagmula pa sa'king sariling hardin
                                                  Sa piling tao ko lng ibinibigay
                                                  Itong rosas sana'y magawang tanggapin.

                                                  Ngunit itong rosas ay lubhang matinik
                                                  Ni hindi magawang hawakan ng kamay
                                                  Pa'no kaya ibibigay itong rosas
                                                  Sa iyo aking minamahal na sinta?

                                                   Panahon na lang ang makakapagsabi
                                                   Kung ang rosas na ito ay matutuyot
                                                  O kaya ito'y mananatiling buhay
                                                   Aking hihintayin ang panahon na'to.
                                                                                                                 
                                                                                                                           By: Jemar P. Heramiz

Friday, March 23, 2012

TULA

                                "Bakit nga ba mahal kita?"


Bakit sadyang kaydamot ng tadhana? 
Mahal kita , ngunit iba ang iyon nadarama
Hindi kaya't sadyang ikaw lamang talaga?
ann nagpapatibok sa puso ko tuwina.

Bakit ikaw pa?, marami naman diyang iba!
Ngunit anong magagawa , sa'yo lamang akong talaga.
Sa tuwing pipikit , ikaw ang nasa panaginip
Teka nga muna! at ako'y iidlip ng saglit.

Tila isang bangungot na ayaw ko ng magising,
Ngunit anong magagawa , ikaw ang nais makapiling
Nagmula sa langit , bumagsak sa lupa,
Salamat kay Bathala at siya'y iyong nilikha.

Naakasakit kapag mayroon kang ginigiliw
Hindi ko nga mabatid kung bakit ako sayo'y baliw na baliw.
Sana'y pagmasdan mo ako , o aking minamahal,
Upang iyong maramdaman ang wagas at tunay na pagmamahal.



Jacqueline A. Moros